15 May 2015

SEAG ‘15: Phl football team sasalang agad

Mapapasabak agad maski di pa sakop ng opisyal na dates ng 28th Southeast Asian Games ang Philippine men’s football team sa Singapore sa darating na Hunyo 5-16.
Pero magpahanggang kamakalawa’y wala pang pinapasang line-up ang Philippine Football Federation (PFF) sa Team Pilipinas SEA Games Task Force.
Iritado na si Team Pilipinas chef de mission Julian Camacho sa PFF lalo’t host Singapore sa June 1 agad matatapat Phl 11  pero tengga pa ang mga accreditations.
“We don’t know yet if they will send three Azkals players to reinforce the Under-23 team because up to now they have yet to sent their official lineup,” wika ni Camacho.
Kasama ng Pilipinas sa Pool A base sa draw ang Singapore, Indonesia, Myanmar at Cambodia. Tapos ng first match sa Jalan Besar Stadium sa Hunyo 1 ng mga Pinoy booters kontra Singaporeans sa alas-8:30 ng gabi, nakapila ang Cambodia sa June 3 sa 8:30 p.m., ang Myanmar sa June 7 at Indonesia sa June 9.
Ikinadismaya ni Camacho ang kakuparan ng pederasyon na dagdag pa aniya sa problemang kinakaharap ng Task Force na kinailangan ding asikasuhin pa ang paghingi ng permiso para naman sa foreign coaches na makakasama sa delegasyon.
Nakipagpulong si Camacho sa ambassador ng Singapore sa Pilipinas upang humingi ng permiso na mapayagan ang foreign coaches na mabigyan ng visa at makasama ng kanilang mga hinahawakang atleta para sa SEAG.
May manlalaro rin na orihinal na qualified pero di mapapasma sanhi ng pilay tulad ni John Paul Saclag ng wushu na may shoulder injury. (RC)

6 comments:

  1. I am impressed you found this article jonny, even though you probably don't understand what it is saying.

    ReplyDelete
  2. politics and bawian lang ang nangyari..

    noon pinahirapan ng PSC and POC ang PFF na magpadala ng team sa 2013 Sea games ngayon sila naman ang binabawian at pinapahirapan ng PFF.

    Personalan ba...di ma set aside ang Politics sa Sports..kung walang namagitan na alitan dati ang PFF sa POC and PSC malamang last April nakapag submit na sila ng line-up.

    ReplyDelete
  3. poc and psc hate football. this game is the barometer of psc officials. pff,on the other hand knew their capacity and their chances in seagames,dealing with the dilemma.lets just remember those previous years,when babalu(mastermind) refused to give the green light on the philippine football team to join the competition,because,they only proritize those sports that shows potential to become gold diggers,but sad to say,the rest is history. good for them psc and poc,its a ricochet...... its bad excuse for sports officials dealing with ancient plan,afterall, its a big fiasco. liar.hehehehehehehe.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kung magandang standing sa medal tally bakit ayaw tulungan ng poc at poc ang athletics dept and swimmimg federation dahil ang mga individual sport ang mas maraming mahakot..

      Yung mga teamsport tig iisang medal lang ang maiuwi nila...gusto nila suportahan yung mga hype sa mainstream media like womens volleyball na binibigyan nila ng mataas na expectations na makakapag uwi ng medalya from sea games

      Delete